Estranghero ang bawat numero Arok kong ikaw iyon Ang boses **** tila nasobrahan sa kape Parang may giyera lang sa himpapawid.
"Yung katext mo kanina," yan ang sagot mo Akala mo siguro wala akong ideya Sa pagkatao mo.
Naisip ko rin yun Na tawagan ka mula sa hiram na numero Nang masanay ang pandinig Sa boses **** walang kalambing-lambing.
Wala naman tayong listahan "Long time, no communication," pa ang sambit mo Bakit ba at tila ako'y miss mo na? Wala naman akong masasabi sa kabilang linya.
Nagsinungaling ako Nang sabihin ko ang porsyento ng baterya Hindi sa ayaw kitang kausapin Bagkus, wala akong maisip na tamang salita Hindi ako makapag-isip ng tama Sana ang diwa ko'y kasama mo na lang.
Yung pangako mo'y biglang napako Akala ko nga malapit na At tila binibilang ko ang nasa kalendaryo Ako'y bigong muli.
Tatlong taong lumipas Pero walang kupas ang kahapon Sigurado akong tanda mo pa ang lahat Na ang kahapon nati'y Kailanma'y hindi pa tinutuldukan.
Kung ang pahinang ito'y mali sa katotohanan Isa lang ang panalangin ko sa kanya Na itong damdaming mahimlay na lamang Pagkat ang lugar nito ngayo'y Nasa tamang kondisyon pa naman.
Ramdam ko ang paghanga mo Hindi ako manhid na minsang inisip mo Hindi mo naman sinubukan noon, Ba't ba pilit **** nililimot na mayroon pang ngayon?
At kung ang bukas ay wala nang araw Sana'y ang pag-ibig ay sinimulan na noon pa man Hindi pa man ramdam ang tunay Bagkus sana ngayo'y kontinwasyon na lamang.
Wag nating takbuhin ang lakbaying ito Hayaang ang layag ay dalhin ng hangin Nang hindi makontra ang tamang ihip nito At sa bagyong paparating Ay maging handa na tayo.
Kung papalarin na tayo'y maparoon Sa dakong Norte kung saan ang tama'y nakatrono Hayaan nating ang oras ang maging saksi Hindi ang magka-ibayong lupa ang tumuon.