Napatag na ang hindi mapatag ng Sanlaksang idelohiya't pananampalataya. Panata ito ng kalawakan. Lilinisi't lilipulin Yaong hindi umaayon sa itinakdang
Orden ng katutubong balanse ng ulan At hangin, ng dagat at pagkamulat, Ng lupa at pagtatangka. Hindi sasapat Ang libu-libong bangkay na nakahundasay
Sa mga lansanga't simbahan dahil malaon Nang naagnas na bangkay ang ating Kamalayan. Malaon nang umahon si Kamatayan sa anyo ng kasakiman sa
Kayamanan, at tayo bilang mga kalakal Na nagpapatiwakal sa ngalan ng kaligayahan Sa anyo ng kasaganaan. Hindi sasapat ang Mga pagtangis ng mga ama't ina, ng mga
Anak at kapatid, dahil matagal nang Tumatangis ang Inang unang naghandog ng Paraiso sa atin. Saan nga ba tayo patungo? "Tayo'y mga punong matayog ang pangarap,
Ngunit sa lupa'y laging nakaugat..."
Sa ala-ala ng mga nasawi sa paghagupit ni Yolanda sa Filipinas.
University of the Philippines-Diliman Quezon City, Philippines November 13, 2013