kung wari mo sanang kumalag sa mga pangakong itinadhanang matibag wag mo sanang limutin itong sinag ng pag-ibig na nagbalik ng liwanag
nawa'y hindi pagsisisi ang kapalit ng mga ngiting unti unting nawawaglit bumuo ka ng isang sining na marikit mula sa mga piraso kong lupaypay at gulanit
ngunit hindi ako isang malaking pasanin para sa iyo hindi ako isang sumpang magdadala ng pagguho hindi maaari, hindi ito ang nararapat sa iyo maalaala mo sanang pag-ibig din ang paglayo
hindi ako nakakulong, ako ang tanikala patawad, sinta, piliin mo ang lumaya