Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Jul 2020
siguro nga tama ang mga nang-aatake sa atin.

"bakit ka matatakot,
terorista ka ba?"

bakit nga ba matatakot táyo kung hindi tayo terorista?

hindi naman, hindi ba?

táyo'y mga aktibista;
aktibista sa ating mga sariling pamamaraan.

táyo ang magpapabago sa takbo ng bayan,
sa bawat sistema nito,
sa bawat institusyon nito,
at sa bawat pagkakamali nito.

hindi lang din táyo mga aktibista
táyo ay mga rebolusyonaryo.

bakit nga ba táyo kailangan pang matakot?
cj
Written by
cj  22/M/Manila
(22/M/Manila)   
321
 
Please log in to view and add comments on poems