Walang nagtatagal sa mundo Sapagkat hamak lamang ang mga tao Lahat ay dumaraan sa pagiging bata Hanggang sa maging kulubot na ang mga mukha Hinang hina na ang katawan at hindi na makapagsalita. Sa edad na walumpu't dalawa, Kinuha na ng Panginoon ang iyong lakas at kaluluwa.
Ang pagmamahal mo sa aming mga apo Higit pa sa pagmamahal na naibigay namin sa iyo. Walang makakatumbas sa mga sakripisyo mo Dahil inuuna mo ang kapakanan ng iba. Hindi ka nagsasawa na mahalin kaming iyong pamilya Ikaw ay mabuting kapatid, asawa at ama Hindi ka malilimutan ni Lola.
Hilam na ang mga mata sa pag-iyak Habang nasisilayan kang nakahiga Hindi na sa kama kundi sa kabaong na parihaba Na nakapikit ang mga mata. Kasabay ng pagpanaw ng iyong alagang pusa Ang siya namang iyong pagkawala.
Mga larawan mo'y hindi itatapon Bitbit pa rin ang alaala na iniwan ng kahapon. Taon lamang ang lumilipas Ngunit ang mga alaala mo'y hindi kumukupas Sa iyo'y walang maipintas. Kailangan pa ring tanggapin Na nasa piling ka na ng Panginoon natin.
It's been 6 years since you died Lolo but you're still in our hearts. PLAGIARISM IS A CRIME