Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Dec 2019
ika nga sa isang pamahiin
"'pag lumapit ka sa kabaong
at ika'y may sugat,
tiyak na hindi na yan gagaling."

kaya't siguro mahirap na maiwanan ko ang kahapon
kahapong puno ng hapdi at kirot
sapagkat puno ng sugat ang aking braso
aking hita
aking kamay
at ang buto ng aking kamao

sapagkat ang bawat sugat
bawat pasa at peklat
ay 'di na gumaling
nang tuluyan kong tinitigan
at nilapitan
ang kabaong
ng dating pagkatao ko.
tw: self-harm scars
cj
Written by
cj  20/M/Manila
(20/M/Manila)   
  551
   zee
Please log in to view and add comments on poems