Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Sep 2019
Maaliwalas.
Nakita mo?

Kumislap na mga dahon,
Gaya ng tubig sa dagat
Heto't napatampisaw
Sa silaw

Natulak rin ng hangin,
Ramdam mo?
Malamig, Sumasayaw.
Parang nangungusap na alaala.

Lumipad sa himpapawid,
Narinig mo?
Mga huni ng mga ibon
Kaluluwa'y dinala sa sanktuaryo.

Namulat na mga mata,
Nakita mo?
Maaliwalas na kalangitan
Sa piling ng mga tala.
Written in Filipino language and inspired by nature's dream.
Jasmine Garcia
Written by
Jasmine Garcia  28/F/Philippines
(28/F/Philippines)   
116
 
Please log in to view and add comments on poems