Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Mar 2013
Minsan napapaisip ako,
e kung lubayan na lang kaya kita.
Pero hindi e! Mali!
Yan din kasi ang inisip ko nun
kaya ako nagsisi.
Swerte ko pa nga kasi bumalik
ka pa bilang kaibigan ko.
Kaibigang hinahangad kong
mapansin din ako kahit minsan,
kaibigang pinahahalagahan ko,
at kaibigang sana'y mabatid din
ang sinisigaw nitong puso ko.
Pero hindi e! Mali!
Ang hirap kasing lumugar diyan
sa buhay mo.
Lalo pa't minsan napapatanong ako,
sino nga lang ba ako?
Isang hamak lang na taong,
wala! Walang sinabi sa iba!
Simple lang, di gaya mo.
Nakakatamad din minsan pero,
ano ba?
Pinahahalagahan kita, ikaw rin ba?
Mahalaga rin ba ako sa'yo?
Di naman sa nakikipagkompetensya.
Pero hindi e! Mali!
Marami pa kasing mas nakakalamang
sa'kin diyan,
sino nga lang ba ako?
Kaya minsan napapaisip ako,
e kung lubayan na lang kaya kita,
ano kaya ang mararamdaman mo?
JK Cabresos
Written by
JK Cabresos  M/PH
(M/PH)   
  4.5k
   Pearly Whites
Please log in to view and add comments on poems