Hindi naman ako galit Sayo'y hindi naman inis Katapatan ganon parin Kaibiga'y maramdamin
Patawad unang sambit Nitong kaibigan ay hibik Paumanhin nawa'y kamtin Siyang aking panalangin
Sama ng loob ang dulot Kaibigang aking nilimot Ngunit hindi nayayamot Mawala ka'y aking takot
Tawanan laging naaalala Biruan nating masasaya Payo mo'y pumapayapa Ng pusong lagi lumuluha
Sanay 'wag akong limutin Kaibigan nagtatampo din Gaya mo rin, may suliranin Araw-araw aking pasanin.
Patawad kung nahirapan na ako ay pakisamahan Patawad kung di masiyahan na ako ay pakitunguhan
Sanay huwag magsawa Laging may laan na unawa Kahit minsan nagagawa Sayo'y hindi na nakatutuwa
Mga salitang akin nabitawan Pawang totoong kahulugan Subalit kaaway pinipigilan Ang pagbabagong inaasam
Ngunit iyong laging tandaan Oh aking mahal na kaibigan Ikaw siyang kinasangkapan Upang tungkuli'y masumpungan
Salamat sa Dios sa tulad mo Sa mabubuting aral at payo Ako'y walang kabuluhang tao Kaibigan, sakin ikaw ay modelo
Mahirap talaga akong pakitunghan, sana huwag **** bitawan, hiling ko sa Dios akoy alalayan, patawad sa aking pagkukulang at sa sama ng loob na naidulot. Kung sakaling mabasa mo ang tula, sana wag mayamot. Salamat sa Dios sa pagkasangkapan sa pagbibigay ng inspiration at pagasa na sa kabila ng mga pagkukulang at kasalanang nagawa ay maari pang magpatuloy sa buhay at malakaran ang tungkuling pinapangarap. Salamat sa Dios sayo mahal at tapat na kaibigan.