Tulad ng duling, di kayang magbilang Wala na makadugtong sa pangarap Nanlimos sa kanto sadyang naulila Sa bayang sinisinta nawawala
Talagang kumakapit ang mga nagawang kamalian Sa muling pagdilat ng mata ay di mapalagay Lahat ng bisala ng mga bagay ay nahahanap ng wari Sa isang kisapmata, laging nauulit
Sining ng pagbabalatkayo Magpakalabis ng konting katuwaan Tinakpan ng panlabas na ekspresyon Naanod sa kasayahan
At nalungkot ang nagsidatingan sa piging Ang nagtago ng tunay na damdamin Sa bandang huli, bumaybay ng mga hinaing
Sapat na masilayan ang paghati ng abot-tanaw sa lagablab ng araw na unti-unting naparam at sa karagatan na nag-iwan ng pamana