Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Apr 2010
Paano maaalis ang sakit
na dinulot ng mahal mo?
Paano matitigil ang mga
luhang dumadaloy mula sa puso ko?
Paano makakalimot ng
masakit na nakaraan?
Paano mapapawi ang pait
na sa puso'y naiwan?

Paano mapipilit ang sugat
na humilam?
Paano kung ang kirot ay
laging nagpaparamdam?
Paano patibayin ang
loob na nanghihina?
Paano at saan kukunin
ang lakas na nawala?

Paano matututunang
mahalin kang muli?
Paano makukuhang
hagkang muli ang iyong mga labi?
Paano maituturing na
akin buong buo?
Paano kung sa kanya'y
inialay mo rin ang iyong puso?

Mga tanong na kay hirap sagutin.
Na panahon lang ang makakapagsabi
kung kaya ka pa ngang mahalin.

- July 2009
4.5k
     D Conors
Please log in to view and add comments on poems