Tahan na 'yan ang sabi mo habang magkausap tayo. Habang umiiyak ako, Habang sinasabi **** "ayaw ko na, may mahal na akong iba" Habang ako umiiyak lang sa harap mo Hindi ko alam ang sasabihin ko Baka mautal ako O baka di ako pumayag sa gusto mo Na iwan na ako... Tahan na, yan lang ang paulit-ulit na binibigkas ng labi mo Habang umiiyak ako Sa harap mo, Pagkatapos **** sabihin lahat ng gusto mo Pagkatapos **** sabihing "hindi talaga kita minahal, nagloko ako ilang beses noong meron pang tayo" Hindi ko alam kung anong sasabihin ko, Hindi ko talaga alam kung matatawa ba ako O tutuloy nalang sa pagtulo ng mga luha ko Habang kaharap ka Tahan na, "aalis na ako, paalam na" Yan ang huling narinig ko sayo At pinakatumatak sa isip ko... Ngayon nakatayo ako sa lugar Kung saan saan tayo unang nagtagpo At kung saan una kong naramdaman Na may nagmamahal sa isang tulad ko Na may nagpapahalaga sa isang kagaya ko Noong nagkita tayo dito Umiiyak rin ako Sabi mo "tahan na, nandito lang ako" Ngayon narinig ko nanaman sayo Yung salitang "tahan na" Pero may ibang karugtong na May ibang ibig sabihin na Ikaw yung nagpapatahan sakin At nagpapatitigil ng mga luha ko Ikaw yung nagsimulang magpatahan sakin Noon hanggang tumahan ako nasa tabi lang kita Ngayon pinatahan mo pa rin ako Pero iniwan mo na rin ako Sino na magsasabing tumahan ako? Habang hindi ko na kaya Sinong papalit sayo at papapasukin ko sa buhay ko? At sasabihing "tahan na, hindi kita iiwan katulad ng mga taong dumaan sa buhay mo"