Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Oct 2018
MAHAL KITA.
MAHAL KITA, PERIOD.
MAHAL KITA, ALAM MO BA?
MAHAL KITA, PWEDE BA?
MAHAL KITA, K LANG BA?

Oo, Brad. Mahal kita.
Oo. Ikaw ang paksa ng lahat ng mga tulang naisusulat ko.
Oo. Ikaw ang nag-iisang lalaking pumupukaw sa puso ko.
Oo. Ikaw ang tinutukoy ko sa Twitter at Facebook hugot ko.
Oo, Brad. Ikaw ang nasa utak ko ‘pag tinatanong ako sino bang gusto ko.
Oo, Brad. Mahal kita.

Ikaw ang pinagdarasal ko tuwing gabi.
Ikaw ang hinihiniling kong laging makatabi.
Ikaw ang nais kasama sa umaga.
Ikaw ang nais makita pagdilat nang mga mata.
Ikaw lang ang pwedeng tumabi sa akin na humihilik.
Ikaw lang, kahit walang toothbrush, ang pwedeng humalik.

Ikaw lang ang nag-iisa.
Ikaw na nag-iisa.
Ikaw na lahat.
Ikaw na lahat-lahat.
Ikaw sana ang araw-araw.
Ikaw sana sa araw-araw.
IKAW.
OO, IKAW.

Pero huwag kang mag-alala.
Hindi ako magtatangka.
Hindi ako tatawid.
Hinding-hindi ako aamin.
Ni hindi magpapahiwatig.
Ni “ha”, Ni “**”, wala, hindi.
Dahil handa akong mahalin ka ng palihim.
Kahit itawid lahat nang nararamdaman sa dilim.
Alam ko ang tamang lugar para sa akin.
Alam kong ‘di boto si tadhana para sa atin.

Oo. Mahal kita.
Mahal kita pero hindi ako tanga.
HINDI. AKO. TANGA.
Pero mahal na mahal kita.
MAHAL. NA. MAHAL. NA. MAHAL. KITA.
Pero bawal maging tanga.

Dahil alam kong hindi pwedeng maging tayo.
Alam kong malabo.
Alam kong hindi ako.
Alam kong hindi ikaw.
Alam kong hindi kita magiging nobyo.
Alam kong may mga dasal na hindi masasambitan ng oo.
Alam na alam kong hindi magiging tayo.
Alam kong kahit bali-baligtarin ang mundo,
Bali-baligtarin ka, bali-baligtarin ako,
Bali-baligtarin ang ikaw at ang ako,
hindi ka para sa akin at hindi ako para sa iyo.
Alam kong kahit ilang beses kitang hilingin sa Panginoon,
Sasagot Siya paulit-ulit ng, “Hindi pwede, Anak ko.”
“Sorry, Anak, nakalaan siya para sa iba,
Sorry, Anak, hindi siya para sa iyo.”

Pero pagtapos nitong lahat nang nasabi kong ito, teka lang…
Ramdam mo bang mahal kita?
Ramdam mo bang pinapangarap kita?
Ramdam mo bang ikaw ang gusto ko sa araw-araw?
Ramdam mo bang ikaw, ikaw lang talaga?
Ramdam mo bang kinikilig ako sa mga akbay mo?
Ramdam mo bang gusto kitang yakapin?
Ramdam mo bang ikaw yung laging pinapanalangin?
Ramdam mo bang nahihirapan ako kasi kahit may mga oras na gusto kitang yakapin, kailangang pigilan kong pigilan ang sarili?
Ramdam mo bang nahihirapan ako kasi kahit punong-puno na ko nang pagmamahal para sa’yo, kailangan talagang pigilan ang sarili?

Mahirap.
Sadyang mahirap kang mahalin.
Bawal aminin.
Pero pwedeng ilihim.

Ang hapdi kasi hindi mo malalaman.
Ang hirap kasi hindi ko pwedeng ipaalam.
Ang sakit kasi hindi mo mararamdaman.
At ang saklap kasi hindi ko rin pwedeng iparamdam.

Pero kahit ganon, wala namang magbabago.
Mahal pa rin kita kahit mahapdi.
Mahal pa rin kita kahit mahirap.
Mahal pa rin kita kahit masakit.
Mahal pa rin kita kahit masaklap.

Ah, basta. Mahal pa rin kita at mamahalin pa rin kita.

Mamahalin pa rin kita kahit palihim.
Mamahalin pa rin kita kahit bawal aminin.

/pc
I know the title is too generic. This is something I wrote when I was on ER Triage Duty. It was a relatively quiet duty. This was intended to see the light of day as a piece for Spoken Poetry but I don't think I'll ever be able to deliver this due to lack of confidence and time so here it is, in Hello, Poetry. I hope you enjoy it.  This is written in the Filipino language. I am extending my apologies to everyone who cannot understand it because of the language I used. I'm sorry to burst your bubble as well but Google Translate did a very poor translation of this ahuhuhu :(
Written by
pc  MNL
(MNL)   
  6.8k
   pauline
Please log in to view and add comments on poems