alam kong napakabata ko pa upang ibigin ng sobra ang taong akala ko'y kaibigan ko lang, na kahit kailan ay 'di ako binigyan ng daing.
labis na ligaya ang natamo ko galing sakanya. lahat ng maliligaya kong araw, ala-ala namin ang nakasaklaw.
subalit ito'y kailangan kong itigil, nang pati ang sarili ko'y aking natatakwil; lalo na't ngayon ay aking napagtanto, na ako lang pala ang nakadama ng ganito.
masakit, pero ito ang katotohanan ㅡ mag-isa akong umiibig sayo.