Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
May 2018
Tinatalo ng oras ang bawat bagay,
Simula sa una **** hininga,hanggang sumakabilang-buhay
Nagbabago ang lahat sa bawat pagpatak,
Simula nung isinilang ang mundo hanggang sa ito ay mawasak.

Ang oras ay naroroon,patuloy na tumatakbo
Ano man ang laman ng puso mo,ano man ang nito'y sinisilakbo
Maaaring magbago ang lahat sa isang iglap
At maaring masira ang iyong pangarap sa isang kurap

Sa ilang segundo'y kaya ka nitong patayin
Habang tinitingnan mo siya doon,nais mo siyang yakapin
Ngunit hindi na ito maaaring mangyari pa
Sapagkat pinalaya mo na siya,matagal na panahon na

Sa ilang minuto'y makakaramdam ka ng pagsisisi
Nagkatinginan kayong dalawa,ngumiti siya't ikaw naman ay ngumisi
Akmang naglakad siya patungo sayo,ikaw nama'y nagayos ng iyong sarili at bahagyang ngumiti
Ngunit napalitan ng sakit ng makitang kasama niya ang isang bagong lalaki.

Sa mga oras na to'y nakaramdam ka ng pagkabalisa
Yung pakiramdam na parang bumabaliktad ang iyong sikmura
Para kang sinusuntok ng realidad sa iyong mukha
At pinapamukha nito sayo na matagal mo na siyang pinakawala

Pinakilala niya sayo ang lalaki ng buong giliw
Naalala mo noong mga araw na ang puso niya'y ikaw pa ang sinasaliw
Napapikit ka sa sakit ngunit pinilit **** ngumiti
Nakipagkamay ka sa kaniya at masaya mo siyang binati

Habang mahina **** binabanggit ang katagang "ingatan mo siya,yun ang bagay na di ko nagawa"
Umiiyak ka sa loob mo at ang luha'y tila ba'y nag-lalawa
Hanggang sa ika'y napagod na lang at nagsawa
Na sinabi mo na lang na "itinakda na ng oras ang aming tadhana"

Sa isang oras,maaari ka nitong baguhin
Sinimulan mo nang ngumiti,tinigilan ang pagiging bugnutin
Tinanggap ang katotohanang buhay ay tunay na hindi mahabagin
At patuloy nga siyang mapaglaro sa ating mga damdamin.

Sa isang taon,kaya ka na nitong palayain at mabago
Ang pighati at sakit ay di mo na kailangan pang itago
Sapagat kasama mo na ang bagong nagpapatibok ng iyong puso
At hinarap na ang buhay **** may panibago ng yugto

Nagpasalamat ka sa pagliban ng oras
At hinarap ang iyong panibagong bukas
Tinuruan ka ng buhay ng isang leksyon
Na ang oras ay mahalaga ang segundo,minuto,oras,buwan at taon.
Kaya matuto kang pahalagahan kung ano ang meron ka ngayon.
Dirk Salimus
Written by
Dirk Salimus  15/M
(15/M)   
1.6k
 
Please log in to view and add comments on poems