Sayong paglalakad sa kalagitnaan ng daan ika'y nakita Mga mata **** mapungay at mukhang **** maamo Posturang natural at ngiti **** hindi nagbabago Na para bang lagi akong tinutukso
O bakit ka ganyan, binibini? Para bang sa 'yong mga mukha ay walang problemang namumutawi Kada salubungan ng ating mga mata ay talaga namang pagod ko ay napapawi Nagsusulat ako ng bigla kang dumaan saking harapan
Ako'y napatingin at napahinto sa aking lugar na ginagalawan Para **** niyanig ang mundo kong tahimik Puso kong parang gustong muling umibig Handa kong ika'y haranahin at gawan ng isang awit
Ngunit paano pala kung puso mo ay meron ng nag mamay-ari? Mga bagay sa aking isipan na nawari Hanggang tingin nalang ba ako sayo Kahit na parang ako'y pinana na ni kupido?
Handa akong sumugal malaman mo lamang na ang pag ibig ko ay tunay Nais mahagkan ka at mapakilala saking Nanay Mga mata kong kislap ay talaga namang tunay Kaya sana hayaan mo kong iyong buhay ay bigyan ng kulay
Magpapakilala ako sayo ng walang pag iimbot Irerespeto ka kahit magsuot ng maigsing saplot Unang hakbang ng puso mo'y maabot Ihahatid sundo sa inyo pag uwi sa tahanan Hindi ka hahayaang mabastos ng kung sino sa daan
Liligawan pati iyong mga magulang, Nangangako sa magandang intensyon at hindi magkukulang Sa Itsura man ako'y salat Akin nalang ibabawi sa matatamis na sulat at ugaling tapat