Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
May 2018
Isa. Dalawa. Tatlo.
Magkasama lagi tayong tatlo.
Tayo lang, oo.
Hindi siya. Hindi sila. Tayo lang sabi niyo.

Pero, bakit nadagdagan?
Gumawa naman ako ng paraan
Pero kayo naman ang lumilihis sa ating daan.
Ay, mali. Sa inyo lang pala. At sakin lang pala.
Teka, sige, ayus lang pala madagdagan
Pero habang tumatagal ako na ata yung nakakaligtaan
Bakit?
Bakit naman ganon?
Sa hinaba haba ng panahon
Eto pala ang ating mapapala
Mawawala at maghihiwalay
Pupunta sa kani kaniyang landas at saka sabi ng ba bye

Sa tingin ko masaya na kayo
Sana masaya na rin ako
Kahit nasira yung pangako
Nabuksan naman ang pintuan ng kasalukuyan at naisara ang kahapon
Pero paniwalaan niyo ako, lungkot pa rin ang aking baon
Lumilipas ang araw na walang nakakaalala
Dumaraan ang mga gabing nakaharap sa mga tala
At naiisip na, bakit ako iniwan?

Nakikita ko kayo at binabati niyo ko
Pero paano niyo nagagawang ngumiti na parang walang nagbago?
Sa harap ko pa talaga sinasabi niyo mga sarili niyong plano
Habang heto ako, sinusubukang hindi maapektuhan pero paano?
Sa ilang taon na pinagsamahan, nasayang na nang tuluyan
Sabihin niyo.
Pano mapapawi ang lungkot dahil sa mga kaibigang minahal **** totoo.
At sigurado akong totoo kasi nasasaktan pa rin ako nang ganito.
Ang dating masasayang alaala nating lahat.
Nagtapos na lamang sa pasasalamat
sadnu.
Venice  Oaper
Written by
Venice Oaper  F
(F)   
1.0k
 
Please log in to view and add comments on poems