Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Apr 2018
Isa ako sa tinatawag na,
Ang kabataan ang pag-asa ng bayan
Isa ako sa mga kabataan na nakakaranas
Ng mga kung ano anong bagay

Bisyo doon, bisyo dito
Alak doon, alak dito
Saan man pumunta puro away
Puro issue, puro fake news

Nakakasawa, nakakasawang pumasan ng mga problema
Nakakaputangina
Nakakagago
Ginagago nanaman ako ng mundo

Bakit ba puro nalang problema?
Puro pasakit?
Puro taong magaling lang sa umpisa
Mga putangina sila

Pasensya na kaibigan
Masarap magmura bakit ba
Pero hindi ibig sabihin non masamang tao na ako
Bakit nga ba ako nagpapaliwanag nonsense wala namang makakaintindi

Ako? Ako yung taong tingin ng nakararami
Bobo, walang patutunguhan, at kung ano ano pa
Gago diba?
Oo ganon naman kadaling manghusga sa mundong ito

Sa totoo lang madaming ibang taong gustong pumasok sa mundo ko
Para saan? Para bandang huli mangiwan?
Para may mapagtripan?
Ang bobo ko rin kasi pinapasok ko yung mga taong walang kwenta

Yung mga taong walang konsensya
Hindi naman ako galit kahit kanino
Galit ako sa sarili ko
Bakit ba kasi ganto ako?

Putangina diba? Nakakatawa.
Nakakatawa na sa dinami-rami ng pwedeng problemahin
Bakit unang una ang pag-ibig?
Pwede namang pag-aaral, o kaya basta maraming iba dyan

Kaso ang gago yung pag-ibig na yan may pakana ng lahat
Diyan nagsisimula lahat
Kung bakit naimbento pa kasi yan
Nakakasawa paulit ulit

Pero isang araw pagdilat ng mga mata ko
Nabuhayan ako ng loob
Hindi ko pa pala talaga pasan ang mundo
Yung totoo kung sino ang naghihirap ng totoo?

Ang mundo, ang diyos
Dahil sino ba naman tayo para magreklamo?
Sino ba naman tayo para magreklamo sa mga problema
Di hamak na wala pa akong napapatunayan sa mundong ito

Siguro kaya ako nabuhay dahil para sakin to
Nabuhay ako para sakin hindi lang para basta sa iba
Magulo ang mundo oo pero hindi aayos ang mundo
Kung mas magulo pa ang mga tao .
Reign
Written by
Reign  18/F
(18/F)   
1.1k
 
Please log in to view and add comments on poems