Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Mar 2018
Sa pag sapit ng dilim ako'y nanabik sa iyong pagbabalik
ngunitΒ Β nang sipatin bukana ng bintana puso ko'y napunit
nang aking maalala wala ka na nga pala, oo tama wala na,
wala na ang dating dalawa na pinag-isa, wala na ang dalawa,
na laging magkasama.

Sa pag sapit ng dilim tanging panaghoy 'ko ang bumabasag sa tahimik na mundo
mundo na dati ay tayo, mundo na binubuo ng matatamis na oo,
mundo na akala ko'y ikaw at ako hanggang sa dulo
dulo na agad na winakasan nang panandaliang tukso

Aking ginugunita mga alaala na nilipas na ng panahon,
panahon na sayo lang umikot, mga oras na nais 'kong malimot ngunit ano mang pilit patuloy sa pag ikot, yaring mga mundo na kahit katiting sa puso mo sana'y nariyan ako, sana'y ako rin ay naiisip mo.

Ngunit para saan nga ba ang tula na ito? Kung ang puso mo'y nakahanap na ng katagpo
katagpo na sabi mo ay bubuo ng iyong pagkatao, na kahit alam **** naririto pa ako at nasasaktan sa mga sinasabi mo ay patuloy ka pa rin sa mga litanyang "pasensya na di ikaw ang problema marahil hindi tayo para sa isa't isa" at doon natapos ang limang taong pagsasama na punong puno ng mga pangakong napako dahil lang sa isang gabi na nagpabago sa yugto ng ating kwento.

Kwento na ikaw at ako ay di na maaaring magtagpo.
para sa mga taong naniniwala sa mga pangako na akala ay totoo, kahit ang hubad na katotohanan ayaw pa rin itigil ang ilusyon na siya at ikaw ay di na maaring magtagpo!
Danica Tuquero
Written by
Danica Tuquero  21/F/earth
(21/F/earth)   
  2.3k
 
Please log in to view and add comments on poems