Sinulat ko ito para sa babaeng inspirasyon ko Sinulat ko to para sa babaeng gusto ko Sinulat ko to kahit di mo gusto Sinulat ko to sa damdaming nanawagan para sayo Sinulat ko to kahit kupas na ang gamit na mga litanya Sinulat ko ito sana'y dinggin at pakinggan Sinulat ko to para sa babaeng mahal at mamahalin ko Sinulat ko to para sayo, aking sinta.
Babaeng sinta nakita ko sa'yong matang nakasandal sa pighati hatid ay lumbay at kalungkutan Damdamin mo'y gusot nilukot pinaikot-ikot, kirot ang naidulot Di ka ba napapagod Sa iyong matang luhang di mapigilan pumatak ,umaagos hanggang sa mapagod at makatulog ngunit minsan nauudlot dahil sa sakit na naidulot Bibig at boses na ginapos ng nakaraan sa matatamis mabobolang salita lumipad sa kawalan humantong na bitiwan ka nya Ngayon ay hikbing paudlot udlot, pwede mo na ba ihinto? Para sa taong handa kang hintayin at mahalin ng walang halong kasinungalin at tunay.
Handa ang panyo para punasahan ang iyong luha Handa ang tenga para dinggin ang iyong walang katapusan na drama Handa ang mga kamay ipagluto ka punan ang iyong katakawan Handa ang boses para ikaw kantahan kahit sa lumang paraan na tawag ay harana Handang handa kang paglingkuran kahit labhan ang damit ng iyong mga kuya Handa kang samahan sa iyong kasiyahan lalo na sa panahon ng iyong kalungkutan Handang gawin ang lahat ng makakaya para ikaw mapasaya lamang Handa iaalay ang sarili sa Diyos at hubugin ang sarili para maging karapat dapat sayo at sa pag ibig **** alay
Handa ako ipakilala ka sa aking pamilya Handa kang hintayin kahit gano man katagal Handa ako na patunayan ang bawat pangako na nakasulat dahil dapat ang isang lalaki ay may isang salita Handang handa ako mahalin at ipaglaban ka sinta.
Kapal man ng mukha ang sayo'y iharap Wag mo sana tingan sa itsura sana makita mo ang puso kong malinis ang intensyon totoong tunay Pakiusap muling buksan ang iyong sugatan hilom na puso; Para sa lalake di uso ang laro
Sa bawat bigkas na taludtod Pangako sayo di mapupudpod Puso **** naupod napagod Di na mauulit ang pagkakataon na iyon Sayo'y di kahit kelan mapapagod Intidihin ka sa bawat pagkakataon Respeto at pangunawa ang aahon Para sa panahon sa muling pagkakataon Andito lang ako andito ako naghihintay at maghihintay sayo