Value. Madalas lesson sa math at related sa piso Pero minsan pwede rin naman nating iugnay sa tao Parang ako. Matagal - tagal ko na ring hinahanap yung halaga ko sa mundo Ipinanganak ba ako para maging sino at ano? Sa paglaki ko, dun ko natuklasan Na ang halaga ng tao nakabatay sa sitwasyon Yun bang kapag kailangan ka lang nila Saka ibibigay yung hinihingi **** atensyon. Yun bang kapag MAHALAGA KA LANG saka ka kukulitin Yung kapag kailangan lang ng tulong mo saka nila hihingin Kaya madalas tuloy napapaisip ako Ni minsan kaya naging mahalaga ako? O nagkaroon man lang kaya ng halaga ang isang tulad ko Dyan sa puso mo? Alam kong wala ako sa lugar para itanong ang mga bagay to Kase una sa lahat, magkaibigan lang naman tayo Pero pagod na akong itago yung nararamdaman ko Pagod na akong Magsinungaling At magsabi ng di naman totoo pagod na akong lokohin ng paulit-ulit yung sarili ko Pagod na pagod na ako. Kaya sa mga sandaling ito Sasabihin ko na ang lahat Lahat ng nasa puso ko At sana kahit saglit pakinggan mo naman ako. Sana lahat ng sasabihin ko Tumatak dyan sa isip mo At maging mahalaga Yun bang paulit-ulit **** maaalala Parang lyrics ng paborito **** kanta Na maingat **** tinandaan at kinabisa Para lang wag **** makalimutan O makaligtaan. Sana ganun din ako, maging mahalaga Kahit ilang minuto, ilang segundo Ilang oras Kahit saglit lang, gusto kong maging mahalaga Katulad nung paborito **** sapatos at damit Na kahit luma na iniingatan **** pilit Kase nga mahalaga at ayaw **** mawala Gusto kong maging Importante Pero parang malabo at imposible naman yung mangyari Kase kahit magkaroon man ako ng halaga Yung puso mo naman, hawak na ng iba Kaya heto ako,nilalabas ang nadarama Sa pamamagitan ng mga tula At sisiguraduhin Kong Hindi ito ang magiging una at huli Kong katha Na tungkol sayo Dahil habang nabubuhay ako Lahat ng tula at akda na gagasin ko, Exclusive lang para sayo.