Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Dec 2017
Habang pinapakinggan itong awit,
aking nabatid,
Bakit kailangan siya'y pakinggan ng paulit-ulit?

Bakit hanggang ngayon ika'y nasa isip?
Hindi lubos maisip na saki'y may magsasagip
Kailangan bang puso'y pahirapan
at saktan ng paulit-ulit?

Dahil sa munting awit,
Ito ako, minamahal ka ulit,
Pero distansiya at tadhana'y balakid,
Kaya sa awit ako'y kumakapit ulit!
Written by
Michelle Yao
206
   diary
Please log in to view and add comments on poems