Patawad kungΒ Β ang aking mga likha ay hindi masasaya Patawad kung ang aking mga piyesa'y hindi nakakatawa Patawad kung hindi magaganda ang aking isinusulat Patawad kung ginagawa ko ang mga iyon habang ang mga mata ay hindi nakamulat
Hindi ako magaling ngunit pinipilit ko Pinipilit kong sumulat upang maipalabas ang nararamdaman Ang mga pighati na noon pa nakakulong sa isipan At kung ito lamang ang nag-iisang paraan
Subalit ang aking mga sulat ay mananatiling sulat lamang Kung wala namang nag-aabang Kaya salamat na rin pala At binasa mo ang aking mga salita
Dahil sa iyo, nabibigyan sila ng halaga Ang mga sinisimbolo ng bawat letra Iba't ibang kahulugan ang iyong nabibigay Iba't ibang kahulugan kung bakit ito nabubuhay
Kaya salamat at pasenya Ngunit ito ay ang aking hustisya Kung ayaw nyo na, sana'y wag ninyo ng ipilit Sana ay may naramdamang bago saglit
Pasenya, mambabasa Ngunit hindi ko babaguhin ang mga piyesa Ako ay isang makata Makatang meroong sariling hustisya