Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Oct 2017
May mga tanong sa mundo na nais punan ng sagot,
Mga tanong na tila nais maibaon na sa limot,
Mga tanong na tila walang solusyon at mabisang gamot,
Mga tanong na nagmula sa inis,galit, at poot.

Ang panimulang tanong ay "ano".
At susundan ng mga tanong na "bakit","saan","sino",
Sa bandang hulihan naman ay ang mga tanong na "kailan" at papaano"
Ito ang pagkakasunod-sunod ng mga katanungan sa'ting mundo

Ano,
Ano nga ba ang kahulugan ng buhay ko?
Ano nga ba ang halaga ko sa buhay mo?
Ano nga ba ang tunay na ibig sabihin ng salitang "TAYO",
Gayong mayroong pumapagitna sa pagitan ng ikaw at ako

Bakit,
Bakit mo hinayaang humantong tayo sa ganito?
Gayong nangako ka sakin na sasama ka hanggang dulo?
Bakit ka tumigil? Bakit ka huminto?
Akala ko ba'y sasabayan mo ko sa aking pagtakbo?

Saan,
Saan ba ako nagkulang? Saan ako nagkamali?
Saan napunta ang pag-ibig na dati'y nananatili?
San ba kita naiwan? Saan ba kita nasaktan?
Tila baga ako'y di mo na pinaniniwalaaan?

Sino,
Sino nga ba talaga ako para sayo?
Sino yaong ako na sabi mo'y kukumpleto sa salitang tayo?
Sino yaong ikaw na nagsabing magmamahal sa'kin hanggang dulo?

Kailan,
Hanggang kailan ako kakapit?
Sa pagmamahal na sa iyo ko ipinipilit?
Hanggang kailan ba ako aasa at magdurusa?
Sa pag-ibig na tila nawala't nagpaalam na?

Papaano,
Papaanong nangyari na ako ang natalo?
Papaanong nangyari na kahit ako ang nauna, siya ang nanalo?
Papaanong nangyaring wala na ang ikaw sa salitang tayo?
At papaano nangyaring ang dating nasa gitna,
pumalit na ngayon sa ako sa dulo?

Ano nga ba talaga ang halaga ko para sayo?
Bakit mo hinayaang humantong tayo sa ganito?
Saan ba ako nagkulang at nagkamali?
Ngunit, sino nga ba naman ako para kumapit sa tali?
Hanggang kailan ko mararamdaman ang pagdurusa?
Papaano ko maiibsan ang lungkot na sa akin mo ipinadama
Sabihin mo na nga sa akin ang iyong tunay na salita,
Dahil hirap na hirap na ko sa sakit na tila ayaw mawala

Sagutin mo ngayon ang mga katanungan
Upang ang inis,galit at poot ay maibsan,
Sagutin mo ang mga ito gamit ang iyong puso,
Para magising na sa katotohanang wala na ang ikaw at ako
Dahil mayroon nang siya na nagpapaikot sayong mundo.
At wala ng pag-asa pang mabuo
Ang dating sa atin, ang dating "tayo"
renzordss
Written by
renzordss  16/M
(16/M)   
  1.5k
   sadgirl
Please log in to view and add comments on poems