Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Sep 2017
Ito na naman tayo
Nagbabatuhan ng mga salitang walang bilang
Ito na naman tayo
Magkaaway kahit masaya kanina lang

Ito na naman tayo
Hindi magkasundo pag magkalayo
Ito na naman tayo
Nauubosan na ng dahilang manuyo

Ito na naman tayo
Pag-ibig nga ba o sitwasyong magulo
Ito na naman tayo
Punitan ng puso
Marlon F de las Verges
Written by
Marlon F de las Verges  Makati City, RP
(Makati City, RP)   
451
     Dasho and Isabelle
Please log in to view and add comments on poems