Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Sep 2017
Nagsimula sa ikaw at ako
Kasabay ng pangarap kong binuo
Ang pag-ibig na akala koy totoo
Nagtapos sa wala palang tayo

Masakit ang mga nakapihit
Pusong nakadama ng sakit
Kaya't hindi na pinilit
Upang makalaya ng kahit

Makaalis sa mundong mapait
Dahil marami nang sinapit
Ang dating tamis ay ipinagpalit
At sa kasungalingan ikinapit

Naniwala sa salitang oo
Habang isa sa atin ay lumalayo
Kaya't relasyon di' na makatayo
Kaya't nauwi sa wala na tayo
Written by
John Emil  23/M
(23/M)   
374
   Isabelle
Please log in to view and add comments on poems