Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Aug 2017
A-alagaan kita, ang pagibig ko sa'yo'y totoo na dahilsa pagmamahal ko iisahain ko ang mga letra sa alpabeto
B-ubusugin kita sa aking pagmamahal, sinta. Sa'yo wala ng mas hihigit pa. Hindi ito
C-harot charot lang kasi ang tulad mo'y iniingatan at pinapahalagahan dahil ika'y natatangi sa lahat.
D-adamayan kita, sa lahat ng 'yong problema maging sa pagtulog mo dadamayan kita at ako'y laging nariyan kahit san ka pa man mapunta.
E-enganyuhin kita sa aking mga pakulo. Patuloy ka lamang papasayahin at mamahalain. Oo, walang
F-orever pero may life time at sa buhay na aking tatahakin maliligayahan ako kung makasama ka, sinta. Kahit,
G-aano pa karami ang problemang ating tatahakin sabay natin 'tong lalabanan kasi tayo'y tunay na nagmamahalan.
H-ahanapin kita, mula sa 'yong pagkaligaw gagabayan kita patungo sa'king braso upang mahagkan ka
I-ingatan kita, madalas ang linyang 'to ay gasgas na ngunit ang aking dila'y bagong hasa at ito'y paninindigan talaga.
J-an lang ako sa tabi mo, aking pangako. Kahit na madalas ika'y magtampo ako'y parating narito.
K-akabisaduhin kita, mula sa'yong pagkakamali at sa lahat ng 'yong tama ngunit ang laging maaalala ang salitang "mahal kita." Hindi ito
L-oko loko dahil lahat ng ito'y paninindigan ko upang makita mo, mahal, na
M-ahal kita at walang tao o bagay ang makakapigil sa'ting dalawa dahil tayo'y patuloy na magkakaron ng sigla.
N-anakawin ko sa langit ang mga bitwin para lamang sa'yo ngunit nagkamali ako dahil nakita ko ang bitwin sa mga mata mo at ikaw ang langit ko.
O-o, di ako kayamanan at hindi rin kagwapuhan ngunit ang mahalin ka nang buong puso? 'Yan ang kaya ko.
P-apakita ko sa'yo na ikaw ang prinsesa ko, papakita ko sa'yo na totoo ang pagibig ko. Ibibigay ko sa'yo lahat pati ang huling
Q-wek qwek sa baso ko kasi alam ko iyon ang iyong paborito.
R-erespetuhin kita, bilang aking prinsesa.
S-asamahan kita, sa lahat ng 'yong plano, mapasama o mabuti ay sasamahan kita upang makita ang ngiti sayong mukha.
T-atalon ako sa kataas taasan ng mundo,
U-maasang sa dulo'y sasaluhin mo. Umaasa ako na magkakatayo ngunit rerespetuhin ko pa rin ang desisyon mo. I'll
V-isit your heart everyday hoping that I'm still there. Nag english ano? Ngunit sana, walang
W-akas na mangyayari sa'ting dalawa sana kahit lumipas ang ilang taon ay tayo'y parang motor na luma ngunit sana'y gumana pa
Eks(X)-ena nating dalawa sana'y walang dulo dahil
Y-ayakapin kita nang mahigpit wag kang magbuntong hininga dahil ikaw ang aking 'pag-hinga'. Ang aking buhay.
Z-zzzzzzzzzzz yan ang lagi **** gawain, matulog, ngunit sa pagtulog mo nariyan ako sa panaginip mo hinahagkan ka. Mahal kita.
renzordss
Written by
renzordss  16/M
(16/M)   
  3.9k
 
Please log in to view and add comments on poems