Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Aug 2017
Ang paborito kong bahagi ng lapis
Ay yung namumula-mulang pambura

Tunay na ang panulat ay higit na mahalaga,
Ngunit naisip mo bang kailangan mo rin ng pambura?

Sa mga panahong medyo bobo,
Sa mga panahong sumugal ka sa hindi sigurado

Tuwing may pagkakamali kang nais palitan,
Tuwing gusto **** ibalik ang nakaraan

Sa mga oras na ginusto **** umatras,
At ginusto **** umatras ang oras

Nariyan siya
Nagaabang

May kakaibang ligaya
Sa una ninyong pagkikita

Nakaupo siya sa ginintuan niyang trono.
Walang dungis, walang uka.

May kakaiba ring lungkot
Sa una **** paggamit sa kanya.

Ang dating makinis at silindro niyang hugis
Ay nasira na dulot ng iyong munting pagkakamali.

Mangangako ka na ito na ang una
At huling beses na gagawin mo ito sa kanya.

Dahil gusto mo siyang laging nakikitang maganda.
Nangako ka. Nangako ka

Pero imbes na iwasan
Ay tila lagi pang dumalas

Ang dali kasing maging mali
Lalo na kung kaya pang itama

Kaya't kinaladkad mo siya
Mula kanan hanggang kaliwa, at pabalik-balik pa

Ni hindi mo na pinansin
Ang itim na luha niyang tumutulo sa iyong papel

Mga himulmol ng luhang tinutulak mo palayo
Dahil nakakasagabal sa mga ginagawa mo

Napakadaling maging mali
Basta't nariyan siya

Ibibigay niya ang kanyang buong pagkatao
Maipakita lang sa kanila na tama ka

Pero darating rin ang araw
Na mauubos siya

Darating ang araw
Na mawawala na siya

Mapapatingin ka sa ibabaw ng iyong lapis
At doon mo lamang mapapansin

Ang namumula-mulang pambura
Ay wala na

Hindi. Hindi siya umalis.
Pero inubos mo ang lahat ng mayroon siya/
Nag-drawing kasi ako
Written by
Bianca  18/F/Philippines
(18/F/Philippines)   
  1.5k
     Anna Patricia and Isabelle
Please log in to view and add comments on poems