Hindi, Hindi ko alam kung bakit ako nakatayo sa harap ng madla Hindi ko alam kung bakit ako gumawa ng tula Pero sige magsisinungaling pa ako, magsinungaling pa ako hangga't mapaniwala ko ang lahat maski ang sarili ko Magsisinungaling pa ako hangga't maputol na ang dila ko sa kasalanang ginagawa nito
Itatangi ko sa lahat na sumali ako dito upang mailabas lahat ng hinanakit ko Itatangi ko sa lahat na napudpud ang lapis ko habang binubuo ang tulang ito Itatangi ko sa lahat na ilang papel ang nasayang ko sapagkat nabasa lamang ito ng luhang dahilan ng pagngiti mo At magsisinungaling at magsisinungaling pa ako hangga't makita na ng lahat ang salitang 'SISI' sa ginagawa kong pagsisinungaling
Hindi ko sinasabing nagsisisi ako dahil minahal kita sinasabi ko lamang nagsisisi akong naniwala ako sa malakas na ulan Hindi ko sinasabing nagsisisi ako dahil nakilala kita sinasabi ko lamang nagsisisi ako dahil nagpatangay ako sa malakas na hanging habagat Hindi ko sinasabing nagsisisi ako sa paglapit mo sinasabi ko lamang nagsisisi akong lumingon ako sa bintana Ngunit mahal kahit kailan hindi ko itatanging nagsisisi akong Umasa ako sa akala ko'y Ulang magtatagal ayun pala'y dumaan lamang
Masakit sa pakiramdam maalala ang paghila mo sa aking kamay sabay sabing "halika at magtampisaw tayo" Habang bumubuhos ang malakas na ulan suot pa natin ang uniporme nating dalawa Naririnig ko ang halakhak mo Habang masayang tumatalon dinadama ang mumunting butil ng ulan
Samantalang ako'y nakatingin sa kamay nating magkahugpo at sa hindi inaasahang pagkakataon nabanggit sa harapan mo ang katagang nakakubli sa aking puso "Mahal Kita" ngunit ngiti lamang ang sinukli mo "Mahal Kita" ngunit yakap lamang ang ginanti mo "Mahal kita" ngunit ang sinabi mo lamang ay "halika umuwi na tayo"
Lumipas ang mga araw at narinig ko nanaman ang halakhak mo Nilusong ko ang malakas na ulan upang mahawakan mo ulit ang kamay ko Habang masaya kang lumulundag sinasalo ang butil ng ulan na siyang pumapatak sa mukha mo Ngunit mahal nadurog ako ng makita kita sa ulan,
Nadurog ako sapagkat kamay ng iba ang hawak mo ngunit hindi katulad ng saatin nakatitig ka sa mata niya habang dinadama ang ulan "Mahal kita" nginitian mo siya "Mahal kita" inakap mo siya "Mahal kita" ngunit sinabi **** "Mahal din kita"
Tumigil ang ulan ngunit hindi ang pagdurugo ko Nilisan ko ang lugar kung saan nabasa ako Umuwi ako sa bahay inaapoy ng lagnat at tinanong ni Nanay "bakit hindi nasuspinde?"
Tinitigan ko siya ng diretso sa mata sabay sabing "Daang ulan lang naman daw po" Oo tama!, daan lamang malakas ngunit hindi magtatagal malakas ngunit nakakapinsala Daan lamang pala
Sana hindi na lang ako nagpahila Sana hindi na lang ako umasa At sana pala'y nagdala ako ng payong nang sa gayon ay hindi na ako namomroblema kung paano maiiwasan ang patak nitong malakas na ulan
My first ever piece of Filipino Spoken Word Poetry