Kasabay ng pagkawala ng mga linya Sa saliw ng isang malungkot na musika Muli na namang pumatak ang mga luha Na unti- unting nagpalabo sa aking mga mata
Muli na namang tinatanong ang sarili Bakit nga ba hindi, Bakit nga ba hindi tayo? Bakit nga ba walang tayo?
Hindi ko alam ang mararamdaman Sa tunog ng iyong pangalan Mga ala ala ay bumabalik Parang sinasaksak aking dibdib
Akala ko okay na ako Akala ko lang pala Akala ko tanggap ko Hindi pa pala
Muling nagtatanong sa sarili Ano ba ang aking mali Patuloy ang pagtulo ng mga luha Sa indak ng malungkot na musika
Kailan kaya magiging payapa Ang pusong mas durog pa sa paminta?
Malungkot lang talaga ako ngayon. Trying hard sa tagalog poem.