nakita mo ako noon na umiiyak may nakawala na naman sa higpit ng aking paghawak hinawakan mo ako noon sa balikat nakita mo sa mga mata ko wasak ang mundong kinatatayuan ko ginawa **** dahilan ang pangyayaring 'yon para bigyan ako ng pangalan sa buhay mo
Kinupkop mo ako.
pinasilong sa iyong payong pinayungan mo ako nang akala **** naiiba ako hinagkan mo ako pinangalanang "tapat" tinanggap ko ang alok **** payong nananabik sa pagtanggap pagtanggap isang bagay na pinagkait ng mga kamay na nakawala
Nananabik ako.
kinilala mo ako binasa na parang librong daladala mo araw araw naging interesado sa kada buklat ng pahina
Naiintindihan mo na.
lubos ang saya nang makita kitang nagbabasa pa nananabik akong matapos mo kilalanin mo ako ng buo itago sa kung saang lugar na wala nang makakaabot bigyan mo ako ng rason.
ayan na, malapit ka na sa kabanata kung saan bumitaw sila tatlong pahina na, magtiyaga ka sana dalawang pahina na lang, huminga ng malalim isang pahina---
saglit, bakit hindi mo pa binubuklat sa huling pahina?
"magpapahinga muna", yan ang sinabi mo ayos, para may lakas ka para harapin ang kabanata ko
Maghihintay ako at naghihintay pa rin ako nakatunganga ako sa labas ng kawalan hinihintay ang pagbabalik mo ilang beses ka nang nagpalakad lakad sa harap ko hindi mo ba ako nakikita? hindi ka na bumalik hindi mo na sinubukang bumalik
wala ka pa nga sa kadiliman ko hindi mo na kinaya ang kwento ko
at muli kitang nasilayan, tumingin nang walang pagsisisi 08/10/17 Para kay