Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Aug 2017
Pag-ibig sayo'y totoo, walang halong pangloloko.
Ipaglalaban kita sa hanggang dulo 'yan ang sinisigurado ko.
'Wag ka sanang magalinlangan 'di kita pababayaan.
Sa bawat pagtapak sa 'yong tatahaking daan, ika'y susuportahan.
Buong puso'y ibibigay, pagibig ko'y mapatunayan lamang.
Hindi ako tulad ng iba na 'pag nakuha ang matamis **** oo, baliwala nalang.

Ako yung tipo ng lalaki na hanggang dulo'y ika'y paglalaban.
Ako yung tipo ng lalaki na 'di ka hahayaan.
Ako yung tipo ng lalaki na kaya kang pangitiin sa 'yong kasawian.
Ako yung tipo ng lalaki na mamahalin ka hanggang katapusan.

Mga salitang aking katha sana iyo'y paniwalaan
Pag ibig ko sa'yo isang daang pursyento, walang pagaalinlangan
Aking kamay ay hawakan, ika'y gagabayan.
Kasi mahal, mahal kita hanggang sa dulo ng walang hanggan.
renzordss
Written by
renzordss  16/M
(16/M)   
1.1k
   Gladys Mae
Please log in to view and add comments on poems