Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Aug 2017
Noon pa man mahilig na ako sa salamin
Hindi yung salamin na makikita ko ang sarili ko (kasi selfish yun)
Kundi yung salamin na nakaupo sa harap ng mga mata mo
Mga matang nanliliit tuwing napapangiti kita
Mga matang halos di ko matignan dahil sa liwanag nilang dala
Mga mata na noong kinindatan mo ako ay wala akong magawa
KASI NGA...
Crush kita

Minsan na akong nagsalamin pero
Hindi dahil mahina ang paningin ko.
Akala ko kasi gaganda ako
Pero hindi
Wala ring masyadong nagawa ang mga iyon.
Ang tanging luminaw lang sa akin
Ay ang katotohanang
Wala nang pag-asa
Ang mukhang ito

Sabi mo nahihirapan kang makakita
kapag masyadong malayo ang isang bagay
Kaya lumapit ako
Lumapit ako
Lumapit ako
At napalapit ako sa'yo
Tuwang-tuwa ako
Kaya't nasabi ko
"Siguro ngayon, makikita mo na ako"

Kasi noon pa man, ikaw lang ang nakikita ko
Literal
Sino bang bumibili ng pan de sal
Ng alas-sais ng gabi para gawing almusal
Bukas?
Ikaw
Sino ba ang nahuhuli kong umuuwi
Ng hatinggabi
Dahil galing sa walwal?
Ikaw
Sino ba ang pumupunta sa basketball court
Para sumayaw?
Ikaw
Ikaw
Ikaw
Ikaw ang nagturo sa akin
Na kaya ko palang mag-mahal

Na hindi ko kailangan ng salamin para gumanda
Kasi, oo, mayroon akong pag-asa
Na hindi ko kailangan ng salamin
Kasi malinaw na naman sa akin
Na gusto mo rin ako
Oo, alam kong selfish yun
Pero hindi pa kasi ako nakaramdam ng ganito.
Ngayon ko lang naranasan
Na may lumingon
Sa mga panahon
Na lagi akong tinatalikuran

Ipagpaumanhin mo
Kung akala kong minahal mo ako
Namalik-mata lang siguro ako
Nangyari lang kasi na noong nanlalabo sa luha ang mga mata ko
Kamay mo ang banayad na humaplos sa aking pisngi
At pinawi lahat ng lungkot na kumapit sa puso ko,
Tulad ng pagpunas mo sa iyong salamin
Tuwing mababalot ito ng hamog

Patawarin mo ako kung minahal kita
Pero highit pa doon,
Patawarin mo ko kasi sinabi ko pa sa'yo na mahal kita
Nabuhay ka na lang sana ng mapayapa
Kasama ang iyong kaibigan
Pero hindi kasi iyon ang naging tingin ko sa'yo
Ilang beses ko kinusot-kusot ang mga mata ko
Pero walang nagbago
Hindi kaibigan ang tingin ko sa'yo
Hindi kaibigan ang tingin ko sa'yo
Hindi kaibigan ang tingin ko sa'yo

Kung nasa tamang wisyo ako
Malamang ay magloloko na lang ako.
Sisigaw ng "Joke lang po"
"Hindi naman kayo mabiro"
Kayang-kaya kong magsinungaling ng ganito
Pero may ginawa kasi akong pangako
Na kailanman
Walang kasinungalingang lalabas sa mga tula ko

Bukas, magpapatingin na rin ako
Parang nanlalabo na kasi ang mata ko.
Mukhang kailangan ko nang kumuha ng salamin
Para malinawan na akong
Hindi ka na babalik sa akin
Halos lahat ng crush ko gwapo kapag nakasalamin pero sa pagkakataong ito, ikaw ang tinutukoy ko, MJL

Di bale na kung hindi maganda
Basta kailangan kong ilabas 'to sa sistema ko
Written by
Bianca  18/F/Philippines
(18/F/Philippines)   
  1.9k
 
Please log in to view and add comments on poems