Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Aug 2017
Sa unang pagpasok ko nitong pintuan
Tumigil ang kanilang halakhakan
Ako'y napatingin sa kanilang mga mata
Dahil parang nawala ang saya ng bawat isa

Sa unang salitang aking sinabi
Pinaramdam na nila na ako'y hindi parte
Sa kung anuman ang kanilang kinabibilangan
Mas mabuti pang ako'y ilagay sa kulungan

Wala pala talagang lugar para sa akin
Ang kaibigan ko lang ay si awitin
Ang musikang aking naririnig ay sapat na
Ngunit bakit kailangang tapusin pa?

Tinanong ko ang sarili kung may nagawa ba
Sa iba na nakakasakit sa kanila
Sinuri ko nang maigi ang bawat sulok
Subalit tinatakpan ito ng makakapal na usok

Sabay nilang sinabing hindi ako nararapat
Mabuhay sa mundo ng mga tapat
Ako'y bunga ng isang pagkakamali
Imposible na ang makawala sa nitong tali

Pero susubukan ko parin
Patutugtugin muli ang aking awitin
Oo, kakayanin ko ang itong pagsubok
Kahit na katawan ko'y bumalik pa sa alikabok
Bakit nga ba puro malulungkot ang mga isinusulat ko? Simple. To express. Hindi ko talaga kayang sumulat ng masasaya kahit na masaya ako kase naipapakita ko yung kaligayan ko e. Pero pag nalulungkot? Nah. Hahaha. Dito nalang.  
I hope nagustuhan ninyo ito :)
HYA
Written by
HYA
1.0k
 
Please log in to view and add comments on poems