Napansin ko lang, parang ilang gabi nang nahihirapan matulog. Malambot naman ang unan ko Maluwag naman sa kamang hinihigaan Makapal at mabango naman ang kumot Malamig at tahimik din ang kwarto Nasobrahan nanaman ba ko sa kape? Hindi naman siguro pero bakit?
Antukin akong tao pero bakit ganito Pero sa kalagitnaan ng kalituhan, Sa ilalim ng mga bituin sa kalangitan Biglang sumagi sa isip ko, "Oo nga pala, wala naman ng ibang dahilan.." Kundi Ikaw. Ang bida ng walang katapusang kwento. Sa tuwing hihiga ako pagkatapos ng isang mahabang araw Na nakakapagod kahit wala naman masyadong nangyari at nagawa
Muntik pang mapagalitan dahil gabi nanaman nakauwi Nagbihis at dali-daling inayos ang higaan Ayan na, sa wakas at dinadalaw na rin ako ng antok Ngunit ayan ka na din bigla nalang eeksena parang sa pelikula Bitbit ang mga pabaon **** ala-ala na nasa isang garapon At magsisimula kang kumatok ng kumatok sa puso kong marupok Sige na, papapasukin kita pero parang awa mo na
Bigyan mo naman ako ng isang mahimbing at mahabang tulog Hayaan mo akong humiga, magpahinga at huminga Ipagpatuloy ang pananaginip habang naka-nganga Na kahit dito man lang, sa nilikhang mundo ay hindi tokis ang pag-ibig Hihintayin kang mapagod maglakbay at magpasikot-sikot sa isipan ko. Kahit na nakakainip. Pero wala, sanayan lang naman 'to. Sanay ng pangarapin at mapaginipan ka, Na hanggang pangarap lamang kita.