Ang alak na ito ang magiging dahilan kung paano kita malilimutan, kahit sandali. Sa alak na ito ibubuhos ko ang bawat luha na hindi ko na maiiyak.
Naalala ko pa kung paano naglapat ang mga labi natin sa isaβt isa. Tulad ng kung pa'no dumampi ang labi ko sa bibig ng boteng hawak ko ngayon. Bawat halik ay mapait ngunit 'di kasing pait ng beer na madalas kong inumin.
"Isa pang bote diyan!" Meron pa bang mas malamig sa pagtrato mo sa'kin?
Lasing na ako. Lango na ako sa pagmamahal ko sayo. Nilunod ko na ang sarili sa alak, ngunit ang puso ko ay parang walang balak na bumitaw sa'yo.