Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Jan 2017
Masaya ka na ba sa buhay mo?
Buhay na wala ako?
Masaya ka ba dahil may iba ka na?
O talagang nag sawa ka na?

Nang ako'y iniwan mo naisip mo ba,
Na ako'y malungkot na wala ka na?
Na nawala ka na sa buhay ko
At kailanman ay hindi na babalik pa sa tabi ko

Ako'y nagluluksa kapag may kasama kang iba
Hindi ko na nakayanan, kaya ako'y umalis na
Hindi mo man lang ba ito pinagsisihan?
Pinagsisihan na ako'y sinaktan mo at iniwan?

Nagustuhan mo ba talaga ako?
O naging isa lang ako sa mga karelasyon na naloko mo?
Ngunit ngayon ako'y nakalimot na,
*Ibinaon at hindi ito maibabalik pa
whomst
Written by
whomst  15/F/labyrinth
(15/F/labyrinth)   
Please log in to view and add comments on poems