Sa pagsapit ng araw ng mga kaluluwa Suman dito,suman doon Kapag ba nagluto ako ng suman Lalagkit ba ulit ang iyong mga tingin? Kandila dito,kandila doon Ipagtitirik mo rin ba ang puso Na iniwan **** sugatan ng husto? Bulaklak dito, bulaklak doon Aalayan mo ba ako? Tulad ng pagaalay ko sayo ng aking pagkatao?
Sa pagsapit ng araw ng mga kaluluwa Sumalangit na nawa lahat sila Ang nararamdaman ko rin para sayo, Sumalangit na rin sana Makalimutan ka na nawa