Sisimulan ko na Ang kwento nating dalwa Natatandaan mo pa ba? Wasak ka non, dahil sa kanya Nariyan ako, para alalayan ka. Iniiyakan mo siya. Iniiyakan kita.
Siguro totoo nga Na minamahal natin Ang mga taong hindi sa atin.
Kalaunan, nagbago ang ihip ng hangin Isang araw, ikaw ay lumapit sa akin At may sinabing na aking ikinabigla “ mahal kita “
Abot langit ang tuwa Ng binanggit ang tatlong salita Pero may konting pagdududa Aking puso ay nangangamba Nabigla ka lang ba? O totoo ang iyong mga salita?
Pero siguro nga, Isa akong malaking tanga Dahil kahit may pangamba Ay minahal parin kita
Sinagot kita Naging tayong dalwa Tayo’y masaya. Tumatawa. Nagmamahalan tayong dalwa
Pero ngayon? Isa nalang itong mga alaala. Ikaw. Ako. Tayo... Tayong dalawa. Ay tapos na.
Ito na ang huli. Pangako. Dahil alam ko May mahal ka ng iba. Masaya ka na Tumatawa ka na...
Sa piling ng iba.
Hayaan mo. Naniniwala ako. Na balang araw, Ngingiti nalang ako Pag naalala ko. Na nagkaroon pala ng ‘tayo’.