Bakit kailangang makilala ka pa? Masikip ang mundo para sa dalawa Sa ilog ng tahimik na buhay Ba't ka ba sumablay?
Sa huling araw ba't ka ba tumabi? Sayang bakas sa maputlang mga labi Indak ng 'yong kulay, sumasabay sa araw Sa itim ng 'yong mata'y nakita, isang bulalakaw
Ngunit bakit nakilala ka pa? Kung sa huli'y lilisan rin pala? Kaninang umaga bumati ka pa Sa panaginip ko, huli na nating pagkikita