Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Apr 2016
meron sa isip ko na isang larawan
dalawang tao na wagas ang pagmamahalan
magkayakap sa tuktok ng isang kabundukan
tila may pangako ng walang hangganan

nagising ako at napagtanto
panaginip pala ito tungkol sa ikaw at ako
sapat naman na ang pagmasdan ka sa malayo
pero ang saya-saya siguro kung magkatotoo ito
inggo
Written by
inggo  Philippines
(Philippines)   
2.9k
   Dyan Santiago
Please log in to view and add comments on poems