Nilikha silang kaagapay ni Adan, Sa hirap at ginhawa, sila'y naririyan, Maging gabay sa hinaharap man o nakaraan, At punuin ang gabi ng walang pag-aalinlangan.
Isa kang dakila at isang huwaran, Isang ina at ilaw ng tahanan, Mga anak mo'y iyong inaalagaan, Winawasto ang bawat nilang kamalian.