Sa hinaba-haba ng tag-init Ngayon nalang ulit umulan. Nang malakas. Nang saglit Di ko mainitindihan ang langit. Kung paano niyang iniluha Ang bigat ng bawat kahapon Ng natuyo niyang pusong Pinigilang umagos Sa mahabang panahon. Tumangis siya Nang malakas Dahil di niya maamin At di niya matanggap Ang itinakda **** pagwawakas. Sa kakarampot niyang pag-asa na babalik ka rin.
Ngayong gabi. Ang kanyang napili Na ibulalas ang lahat Sa pag-aakalang Tulog na ang lahat Lahat ng mataβy nakapikit. At wala nang makakarinig Ng pagtangis Na mayroong balang-araw Na katabi mo siyang Mahihimbing. Ngunit nagkamali siya. Saan nga ba tutungo Matapos niyang iluha Ang lahat sa lupa Na aanurin Patungo sa puso **** Kinakain ng pangungulila.
Sa hinahaba-haba ng tag-init Ngayon nalang ulit umulan. Nang malakas. Subalit saglit Marahil ay ayaw niya Nang makasakit. O gusto ka lang niya damayan Sa gabing Wala ka nang ibang inisip Kung bakit ka niya iniwan O paano ka niyang nagawang saktan Kung paano sinira Ang bawat pangakong Binitiwan. At kung paanong di mo masabi Ang tunay **** nararamdaman.
Kaya sa susunod Na iiyak ang langit Kapag malamig ang gabi At pangalan niya Ang tanging kayang bigkasin Ng mapuputla **** labi Ay patuluyin mo siya. Hayaan mo siyang umapaw Hayaan **** bahain ka At tuluyang ambunan Ang natutuyo mo ng puso. Makipagsayaw ka Kung kinakailangan Nais ka lang niyang damayan