Dumating na ang araw na aking kinatatakutan Yung araw na di na tayo nagpapansinan Hindi ko man to dapat nararamdaman Pero sa sobrang pagmamahal di ko na to kaya pang pigilan
Alam ko naman na ako'y isang hamak lang na kaibigan At hinding hindi mapapasayo kailanman Alam mo ba kung bakit hindi ako nagbabago? Kasi mahal kita. Oo, mahal kita. gago
Minura kita kasi kailanman di mo naman ako kayang mahalin Minura kita kasi ang tanga mo para di ako pansinin Ngayon ako itong nagpapakatanga kapapantasya sayo Oo gago rin ako para maghintay sa pagmamahal mo
Sa mga taong one sided dyan, eto ang tulang bagay sa inyo. Kung di ka nya kayang mahalin, magmurahan na lang kayo! Pero matuwa ka, MU na kayo. Kayong dalawa kasi ay parehas na gago.