alas dos na ng umaga noong niyaya mo akong sumayaw sa gitna ng Maginhawa kakagaling lang natin sa gig ng paborito nating banda ilang beses akong tumanggi dahil alam kong ‘di ako marunong pero wala akong nagawa nang hinila mo ang aking kamay at nang dalhin mo ako sa kalagitnaan ng kalsada
kinabahan ako dahil baka may mga sasakyang parating ngunit noong nagtagpo ang mga puwang ng ating kamay at nang mapahawak sa iyong baywang lahat ng makamundong pakiramdam ay naglaho
bumalik sa akin ang alaala ng junior prom, walong taon na ang nakaraan nakaukit nang malalim sa aking alaala ang gabing iyon dahan dahang umiindak at nakikisabay sa galaw ng mga nakapaligid sa atin at sa mahinhin na kumpas ng tugtugin ng banda habang nakatitig sa kisap ng iyong mga mata at nakasalang tayo sa pagsayaw ng samu’t saring kulay ng ilaw sinabi kong mahal na kita ngumiti ka, natawa, at kinikilig na sumagot: “mahal din kita”
saka babalik ang anino nating dalawa habang nasa gitna ng kalsada ikaw, ako, at ang naninilaw na liwanag mula sa iilang poste ng ilaw hindi kayang bigyan ng hutisya ng mga salita ang ganda mo noong gabing iyon suot mo ang paborito **** kamisa at ang kupas **** pantalon may kumot ng pawis ang iyong noo, magulo ang buhok, at magaan ang ulo dahil nakainom
ang labi **** mapula ang kutis **** marmol ang maamo **** tawa at ang mga mata **** matingkad lahat ng iyon sa ilalim ng mga tala habang sumasayaw sa gitna ng kalsada walang tugtog, walang inaalintana
naaalala mo pa ba noong nagpasya tayong magpakasal? matagal na kasi nating alam na may sakit ka at alam nating ‘di tayo mag tatagal pero noong gabing iyong mo lang sinabi na isang buwan ka na lang pala
ang ngiti mo’y tumiwarik at napawi gaya ng mga plano ko sana para sa ating dalawa nahulog ang lahat pati ang mga talang kaninang lang ay nanonood sa atin habang dahan dahang tayong sumayaw dahan dahan ding gumuho ang mundo ko
ang mga nalalabi **** araw ay sa isa’t isa inaksaya walang segundong hindi ka kasama pinanood muli ang mga paborito nating pelikula habang nakaratay sa kama pinagusapan natin ang ating nakaraan at ang sanang kinabukasan
hindi ako nahirapang tanggapin na mawawala ka na sa halip, naging kalbaryo sa akin ang panoorin kang manghina naging matamlay ka at nawalan ng sigla dahan dahang nawala ang lakas ng iyong katawan dahan dahang nawala ang pula ng iyong labi at dahan dahang nawala ang tingkad ng iyong mga mata
pero sa kabila ng lahat, ngayon ka pinakamaganda habang tahimik na nakahiga at nakahimlay nang payapa dahan dahang pumapatak ang luha sa salamin ng kabaong namamagitan sa ating dalawa kailan kaya tayo muling magkikita?
tatanggi ako kasi alam kong ‘di ako marunong pero, kailan kaya kita muling maisasayaw?