Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Nov 2015
Sana sa buhangin na lang sinulat ang pangalan mo
Nang sa pagsayaw ng alon ito’y burado
Di tulad ng pagka ukit nito sa puso ko
Ilang gabi at araw ng nagdurugo

Oh alam mo ba’ng nangyari nung huling gabing tayo ay nag usap?
Oh hanggang ngayon ako’y lito
Sa kakaisip utak ko’y tostado

Sana di na lang tumitig sa mga mata mo
Di sana ngayon nasa tama pa rin ang isip ko
Di tulad nitong ilang araw ng nagmumukmok
Walang alam sa oras at hindi makatulog

Oh alam mo ba’ng nangyari nung huling gabing tayo ay nag usap?
Oh hanggang ngayon ako’y hilo
Sa kakaisip utak ko’y tostado
Marlon F de las Verges
Written by
Marlon F de las Verges  Makati City, RP
(Makati City, RP)   
  1.6k
   its gonna make sense
Please log in to view and add comments on poems