Mayroong isang awiting nais kong marinig Isang mapagpala at malamyos na tinig Mayroong isang pangarap na nais kong matupad Dito sa puso ko'y isa langΒ Β ang aking hangad
Mayroong isang halamang nais kong mahagkan Nag-iisang bulaklak na may angking kariktan Mayroong isang pangakong iaalay ko sa iyo Sa buhay kong ito'y tanging ikaw aking mundo
Koro: Paglisan ko'y walang iiwanang luha Paglisan ko'y hindi wakas kundi isang simula Iiwanan kong bakas ay kahapong walang sigla Haharapin ko ang ngayon at ang bukas na masaya Paglisan ko'y hindi wakas, paglisan ko'y pagdating Sa isang buhay na may pangakong lakas, Pag-asa at pag-ibig na wagas Paglisan sa kahapon Pagdating sa 'king magiging bukas
Mayroong isang damdaming sinikap itago Pagtahak sa isang landas na di nais mabago Pagyakap sa liwanag, paghalik sa pag-asa Maaari nang ipagsigawan, maari nang magsaya
>Koro<
I miss my keyboard. Perhaps this semestral break, I can do this.