GISING!* mainit na kape natutumbang mga mata nanghihinang katawan isip ko'y nawawala isang tinik ng ingay agad ng napatingin sa gawing banda roon anong takot sa dilim balik tayo sa mga salitang mala-linya na ang ukit sa utak kong sabaw lahat sa paningin na'y marikit maski nag-iisang ilaw nagmumukha ng tutubi pagkat sa pagdating ng bukas bawal ang magkamali ilang pahina nalang kaya't konti pang tiis minimithing tagumpay aking makakamit kaya't higop pa ng kape puta*, dila ko pa'y nasunog dasal na lamang ang katapat maliban sa luha at uhog kakayanin, kakayanin hindi nais magtagal habang sila'y nagsasaya narito kang nag-aaral kung ayaw **** maiwan sa kwartong maputi kasama ng demonyo gisingin ang sarili walang alay na magaganap hindi maaaring ipabahala bawal tayong magtawag diyos-diyosan dito sa lupa itong mga matang bumibitaw, bumibitaw sa gabing ito, walang susuko maski budhi ko na'y sabaw