Lapis at papel aking pinangsibat Pinangsibat sa mga taong ayaw mamulat Mamulat sa mga bagay na sa mali nasadlak Nasadlak ma'y pakay ng tinta kong mahatak
Mahatak sa tama't puso'y bumusilak Bumusilak di ang anyong mapanindak Mapanindak kasamaa'y kinakalat Kinakalat sa buhay ng iba'y nangwawasak
Nangwawasak ma'y handa ang aking sibat Sibat na letra'y sa pusong bato'y tatarak Tatarak ng marahan makikiusap Makikiusap sanang papel ko'y nayurak
Nayurak binalewala't mga letra'y nakalat Nakalat sandatang higit pa sana sa sibat Sibat na tinta'y nagdulot nga ng napakalaking sugat Sugat sa puso ng may akda nitong sulat...