Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Aug 2015
Lumalalim na ang gabi
Mga mata mo'y tila may sinasabi
Ang mga labi natin ay napapakagat
Bugso ng damdamin ay hindi na maawat

Sa bawat hakbang mo papalapit
Dibdib ko ay parang naiipit
Kinakabahan dahil ika'y nasa aking harapan
Wala ng atrasan di na ito mapipigilan

Ang iyong pisngi ay aking hahawakan
Dahan dahan kitang hahalikan
Bababa ang mga kamay ko sa bewang mo
Hilahin kita papalapit sa katawan ko

Paligid natin ay tila umiinit
Hindi na ata kailangan ang ating mga damit
Ang gabing ito ay atin na atin
Sulitin,
Wag sayangin,
Hindi tayo mabibitin
inggo
Written by
inggo  Philippines
(Philippines)   
Please log in to view and add comments on poems